tara,
giliw?:)
Bagong timplang kape at mga paboritong pagkaing nagbibigay-ginhawa, ginawa para sa iyong mga pang-araw-araw na sandali.
mga paboritong balik-balikan
A few of the drinks and meals our customers love.
bakit nga ba?
Slow Bar
Pagkain at inumin matagal ihain? Lahat ng ito ay sariwang inihahanda :)
Para sa'yo, Giliw
Matapang o hindi matapang? Matamis o matabang? Ikaw ang masusunod :)
May deliver po?
Umorder online, wala nang hassle. Pindot pindot lang.
Mula sa pag-ibig
Ang lahat ay ginagawa na may kasamang pagmamahal <3
higit pa sa kape
Nagsimula ang Giliw sa isang simpleng pangarap: Ang magkaroon ng maliit na lugar kung saan mararamdaman ang tunay na pahinga at saya.
“Mahilig na talaga kami sa kape, mga inumin, at pagkain. Bago pa ang Giliw, sinubukan na rin naming magtayo ng coffee shop. Noong June 2026, nagbukas kami ng maliit na ice cream nook sa garahe ng tricycle ng Papa. Isang buwan man lamang itong tumagal, doon namin napagtanto na gusto talaga naming magkaroon ng sarili naming café.
Isang araw, napag-usapan namin,‘What if magtayo ulit tayo?’ at doon ipinanganak ang Giliw.
Ang pangalang Giliw ay mula sa aming Lolo Magiliw. Para sa amin, hindi lamang ito pangalan, kundi isang bahagi ng aming pamilya at ng mga taong mahalaga sa amin. Nabuo ang Giliw sa tulong ng maraming kamay, isip, oras, effort, at pagmamahal ng aming pamilya, mga kaibigan, at mga taong patuloy na naniwala sa aming pangarap.
Kaya ang Giliw ay hindi lamang isang café. Isa itong maliit na pangarap na pinagtulungan ng mga taong mahal namin — isang lugar na nais naming maging parang tahanan, kung saan maaari kang magpahinga, gumawa ng mga alaala, at muling maalala ang mga simpleng panahong ang problema lang ay sugat at laro.”
–Jocelle Jacinto, Giliw’s Owner